SINUSPINDE ng Sandiganabayan si South Cotabato Representative Pedro Acharon, Jr. na nahaharap sa kasong katiwalian sa hindi pagbibigay ng kwenta sa halagang P2.5 milyon na ginamit para sa isang hapunan sa Los Angeles, California.
Ayon sa pahayag ng Ombudsman, pinagbigyan ng Second Division ng Sandiganbayan ang kahilingan ng Ombudsman na sumailalim si Acharon sa suspensyon na aabot sa 60 araw.
Mayroong legal at jurisprudential support ang kautusan hinggil sa preventive suspension sa desisyong may petsang ika-28 ng Enero, 2016.
Nasuspinde si Acharon sa hindi pagbibigay ng kwenta sa halagang P2.5 milyon para sa Tambayoyong Festival sa Los Angeles, California mula ika-9 hanggang ika-16 ng Hunyo noong 2006 noong General Santos City Mayor pa lamang si G. Acharon. Lalahukan sana ng 37 mga panauhin ang hapunan subalit 17 lamang ang sumipot sa bangkete.