TUMAGAL ng isang linggo ang pananatili sa bansa ng isang misyon mula sa International Monetary Fund sa pamumuno ni Chikahisa Sumi at nagtapos ngayong Miyerkules. Dumating sila noong Huwebes, ika-11 ng Pebrero at nakausap nina Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr., mga kalihim ng economic cluster ng gabinete ni Pangulong Aquino, mga kinatawan ng pribadong sektor and nasa industriya ng pagbabangko.
Sa pagtatapos ng kanilang pagdalaw, sinabi ni G. Sumi na maganda ang naganap sa Pilipinas sa likod ng mas mahinang kaunalaran at tinaguriang global financial turbulence. Kahit pa humina ang net exports, lumakas naman ang pangangailangan sa mga produktong gawa sa Pilipinas.
Maayos din ang external at fiscal positions ng bansa. Kahit pa bumaba ang fuel import bill ay nagpatuloy ang magandang kita sa business process outsourcing. Bagaman, bumaba ang current account surplus sa 3.0% ng GDP noong 2015 mula sa 3.8% noong 2014 dahil sa matumal na exports ng Pilipinas at remittances na inaasahang bababa pa ngayong 2016.