Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghahanap para sa mga ulirang pamilya, inilunsad

(GMT+08:00) 2016-02-24 18:20:53       CRI

INILUNSAD na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Family and Life at Marriage Encounter Foundation of the Philippines ang pambansang paghahanap sa mga ulirang pamilya sa pagtatapos ng Post Synodal Conference on the Family sa Bacolod City kamakailan.

PAGHAHANAP PARA SA ULIRANG PAMILYA, INILUNSAD.  Pinamunuan ni Bishop Gilbert Carcera, (kaliwa), Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life ang paglulunsad ng patimpalak sa paghahanap ng mga ulirang pamilya sa buong bansa.  Itinagaguyod ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines sa pamumuno nina G. Robert and Tinette Aventajado (gitna at kanan sa larawan) ang patimpalak na magtatapos sa ika-31 ng Hulyo, 2016. (MEFP Photo)

Kikilalanin ng parangal ang magagandang nagawa ng mga pamilya sa pagsasabuhay ng mabuting aral at makapagbigay ng karangalan sa mga nagdarahop na nananatiling matuwid at maayos sa gitna ng kapayakan ng buhay.

Ayon kay Daet Bishop Gilbert Garcera, magkakaroon ng 87 mga pamilyang kalahok mula sa 87 mga diyosesis. Sila sa mga diyosesis ang pipili ng mga pambato ng kanilang mga nasasakupan.

Ipinaliwanag naman ng mag-asawang Robert at Tinette Aventajado na isa sa mga panuntunan ng parangal ay ang pagiging kabilang sa pinaka-mahirap sa diyosesis at aktibong nakikilahok sa mga palatuntunan ng simbahan.

Itinakda ang deadline sa darating na ika-31 ng Hulyo. Ang application forms ay matatagpuan sa mga parokya sa buong bansa. Gagawin ang parangal sa ika-23 ng Oktubre sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.

Ang mga intersadong magrekomenda ng mga ulirang pamilya ay maaaring makipag-ugnayan sa Marriage Encounter Foundation of the Philippines sa telepono number 4264206 o sa email address na mefpoutstandingfamilies@gmail.com

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>