|
||||||||
|
||
SUMANG-AYON ang Ombudsman na kasuhan ang isang Antonio Corrado sa pagkakaroon ng dalawang trabaho sa pamahalaan. May trabaho na siya sa Office of the President at mayroon pa sa Philippine Postal Corpotaiton.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na pinawalang-saysay nila ang mga motion for reconsideration ng akusado.
Nagtrabaho umano si Corrado bilang legal/management consultant sa Office of the Postmasger General at bilang Assistant Executive Secretary sa Office of the President mula 2007 hanggang 2010 kahit ipinagbabawal ng batas ang sinumang opisyal mula sa Office of the President na magkaroon ng iba pang trabaho.
Wala umanong sinumang halal o hinirang na public officer o employee ang nararapat tumanggap ng dagdag a dobleng kita hanggang hindi pinapayagan ng batas.
Nakatanggap si Corrado ng higit sa isng milyong piso bilang allowances, salaries at reimbursements para sa mga hotel at restaurant expenses mula sa Philippine Postal Corporation.
Wala umanong authorization mula sa Office of the President na naipadala pa si Corrado sa Philippine Postal Corporation. Hindi rin dumaan sa Government Procurement Law ang kanyang pagkaka-empleyo. Nahaharap din siya sa tatlong counts ng paglabag sa Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kasamang akusado sina dating Postmaster General Hector Villanueva at Chief Executive Staff Juliana Dimalanta sa ilegal na pagkakahirang kay Corrado.
Suspendido rin dahil sa kapabayaan sina Gloria Miranda, Marietta Bertillo, Veneracion Tuason, Eden Gallevo, Evelyn Banares at Olivia panganiban para sa "Simple Neglect of Duty" at hindi sasahod sa loob ng tatlong buwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |