Sinimulan kahapon, Pebrero 23, 2016 ang ika-43 magkakasamang pagpapatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River. Nagsimula ang naturang pagpapatrolya sa Guanlei Port ng Xi Shuang Ban Na, lalawigang Yunnan, Tsina.
Nitong apat na taong nakalipas, ipinagpapatuloy ng apat na bansa ang katulad na gawain, kada buwan. Ito ay para bigyang-dagok ang mga transnasyonal na krimeng gaya ng pagpupuslit ng droga, sandata, ilegal na pagpasok ng mga refugee, at pangalagaan ang ligtas na paglalayag sa Mekong River.