Ipininid kahapon, Sabado, ika-27 ng Pebrero 2016, sa Shanghai, Tsina, ang pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangkong sentral ng G20.
Sa magkakasanib na komunikeng ipinalabas sa pulong, sinang-ayunan ng iba't ibang panig na gumawa ng mas maraming aksyon, bilang tugon sa mga hamon sa pandaigdig na kabuhayan, na nananatiling mahina at nagkakaroon pa rin ng panganib sa pagbaba.
Sa preskon pagkatapos ng pulong, ipinahayag naman ni Lou Jiwei, Ministrong Pinansyal ng Tsina, ang kahandaan ng kanyang bansa, na magsikap, kasama ng mga iba pang panig ng G20, upang matamo ang mga bunga sa aspektong pinansyal, bilang paghahanda para sa G20 Summit na idaraos sa Hangzhou, Tsina, sa darating na Setyembre ng taong ito, at bilang ambag din para sa malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng pandaigdig na kabuhayan.
Salin: Liu Kai