Ayon sa Xinhua News Agency, idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing kaninang madaling araw, Marso 4, 2016, ang news briefing ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Isiniwalat ni Fu Ying, Tagapagsalita ng Sesyon, na lalaki ng 7% hanggang 8% ang bahagdan ng paglaki ng military expenditure ng Tsina sa kasalukuyang taon. Ngunit, ito ay mas mababa kaysa bahagdan ng paglaki nito kumpara sa ilang taong nakaraan.
Ayon kay Fu, ang pagbalangkas ng badyet ng tanggulang bansa ng Tsina ay depende sa, una, pangangailangan ng konstruksyong pandepensa ng bansa; ikalawa, kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, at kalagayan ng financial income.
Ayon sa datos, noong taong 2015, 2014, 2013, 2012, at 2011, magkahiwalay na lumaki ng 10.1%, 12.2%, 10.7%, 11.2%, at 12.7% ang bahagdan ng paglaki ng military expenditure ng Tsina.
Salin: Li Feng