Ayon sa Xinhua News Agency, sa news briefing na idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing kaninang madaling araw, Marso 4, 2016, binatikos ni Tagapagsalita Fu Ying ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang ulat ng Amerika na isinaapanganib di-umano ng Tsina ang kapayapaang panrehiyon sa SCS, at pinipigilan nito ang kalayaan ng paglalayag. Aniya, ang nasabing kagawian ay madaliang nagliligaw sa situwasyon sa nasabing karagatan. Ipinalalagay din niya na ang pagsasabi ng mga mediang Amerikano ng "militarisasyon" ay uri ng linguistic hegemony.
Idinagdag pa niya, kung talagang pinapansin ng Amerika ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, dapat nitong katigan ang pagsasagawa ng Tsina at mga kapitbansa nito ng talastasan para malutas ang alitan.
Salin: Li Feng