NANGUNGUNA sina Senador Grace Poe at Vice President Jejomar C. Binay sa Pulse Asia presidential survey na inilabas ngayon.
Isang independent candidate, nangunguna si Senador Poe at nagkaroon ng 26% samantalang si G. Binay ng United Nationalist Alliance ay nagtamo ng 25% kaya't halos pantay sila sa voter preference.
Ayon sa Pulse Asia, tabla naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating Interior Secretary Manuel Araneta Roxas II na nagkaroon ng 21.%.
Si Senador Miriam Defensor Santiago ang nagtamo ng pinakamababang voter preference na 3%.