INILUNSAD ng Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for International Economic Relations ang aklat na naglalaman ng mga paksang pinag-usapan sa APEC 2015. Ginawa ang paglulunsad sa Elpidio Quirino Hall ng Department of Foreign Affairs kanina.
Pinamagatang "A Report to the President of the Republic of the Philippines on the Substantive Agenda of APEC 2015," – pinagtulungan ito ng Department of Foreign Affairs at Development Academy of the Philippines ayon sa tema at mga prayoridad mula sa pag-aalok ng Pilipinas noong 2011 na maging punong-abala sa APEC 2015 hanggang sa chairmanship ng ilang working group at committee meetings, high-level policy dialogues at sectoral ministerial meetings.