Isinagawa kahapon, March 5, 2016, sa Bangkok, kabisera ng Thailand, ng Silk Road Television (SRT )ang subok pagsasahimpapawid.
Ang SRT ay nagsasahimpapawid sa wikang Thai para ilahad ang mga bagay hinggil sa Tsina.
Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Chen Jiang, Cultural Counsellor ng Tsina sa Thailand, na mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Thailand sa pulitika, kabuhayan at kultura, at humihigpit ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Kaya aniya, kailangan ang isang bagong telebisyon para ilahad sa mga mamamayang Thai ang iba't ibang bagay hinggil sa Tsina at pahigpitin ang kaugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.