Ayon sa website ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, isiniwalat kamakailan ni Somkit Lertpaithoon, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, na noong nagdaang Enero, kapwa bumaba ang pag-aangkat at pagluluwas, at trade surplus ng Thailand. Kabilang dito, umabot sa mahigit 15.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas. Ito aniya ay bumaba ng 8.91% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2015, na naging pinakamababang rekord sapul noong Nobyembre ng 2011.
Ayon sa Departamento ng Pagpapasulong ng Kalakalang Pandaigdig ng Thailand, isasagawa ng bansang ito ang mga hakbangin para mapasulong ang pagluluwas, at galugarin ang mga pamilihan, partikular na ang mga pangunahing pamilihan ng mga kasaping bansang ASEAN.
Salin: Li Feng