|
||||||||
|
||
HINILING ni Senatorial aspirant Panfilo "Ping" Lacson sa Department of Justice na magpaliwanag matapos makita si dating Makati vice mayor Ernesto Mercado na nagsusugal sa isang casino samantalang nasa ilalim ng witness protection program.
Sa isang panayam sa Clark, Pampanga, sinabi ng dating senador na si Mercado ay walang dahilang magtungo sa mga casino samantalang na sa ilalim ngh Witness Protection Program.
Kung high security risk, dapat lamang matiyak ang kaligtasan kaya't walang dahilang makita siyang nagsusugal sa malayong pook tulad ng Clark Special Economic Zone, dagdag pa ng dating PNP chief.
Mahihirapan ang mga WPP body guard na ipagtanggol si Mercado samantalang nagsusugal sa casino.
Paano maipagtatanggol ang isang wintess samantalang nasa casino, tanong ng retiradong heneral. Nararapat lamang manatili si Lacson sa isang safehouse sa halip na sa isang casino. Magagamit lamang niya ang kanyang bodyguards sa kanyang papel bilang isang state witness.
Malaki ang posibilidad na lumabag ang Department of Justice sa alituntunin sa pagpayag nitong magsugal si Mercado samantalang nasa ilalim ng government protection.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |