|
||||||||
|
||
SINAMSAM ng Pamahalaan ng Pilipinas ang isang barkong pag-aari ng North Korea bilang pagtugon sa United Nations Security Council 2270. Ang barkong may pangalang Jin Teng ay sinamsam at hindi na pinayagan pang makaalis ng bansa.
BARKO NG NORTH KOREA, SINELYUHAN. Makikita ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard na nagselyo sa baron MV Jin Teng na sinamsam ng Pilipinas bilang pagtugon sa United Nations Security Council Resolution 2270. (PCG Photo)
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng DFA, ang mga tauhan ay papayagang makaalis ng Pilipinas matapos ang kaukulang pagsisiyasat.
BARKONG NORTH KOREAN, SINAMSAM NG PILIPINAS. Na sa Subic Freeport pa ang balkong MV Jin Teng matepos samsamin ng Pilipinas belang pagsunod sa United Nations Security Council Resolution 2270 noong nakalipas na linggo. Papayagang makabalik ang mga tauhan sa kanilang bansa matapos ang pagsisiyasat. (PCG Photo)
Sa panig ng Philippine Coast Guard, sinabi ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng ahensya, ang Motor Vessel Jin Teng ay ginawa noong ika-11 ng Disyembre 1996 ng Sasebo Heavy Industries Company Limited ng Japan. Ginagamit nito ang bandila ng Sierra Leone at may laking 4,355 Metric Tons at 21 mga tauhang pawang Korean nationals.
Nagmula ito sa Haiphong, Vietnam noong ika-25 ng Disyembre 2015 at naglayag patungong Palembang, Indonesia. Dumating sa labas ng daungan ng Subic noong ika-28 ng Pebrero at pumasok sa Port of Subig noong ikatlong araw ng Marso humigit kumulang ika-anim ng umaga.
Ang barko ngayon ay nasa tabi ng Naval supply depot sa Subic Freeport Zone sa Zambales.
MGA BUTIL, KARGAMENTO NG BARKONG NORTH KOREAN. Makikita ang mga butil na kargamento ng MV Jin Teng na binimbin ng pamahalaan ng Pilipinas maatpos magpasa ng resolusyon ang United Nations Security Council kamakailan. (PCG Photo)
Binimbin ang barko, ayon kay Commander Balilo bilang pagtalima sa kautusan ng Department of Foreign Affairs.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |