Ayon sa ulat mula sa website ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ibinalita kamakailan ng "News Journal" ng Myanmar, na lampas sa 30 bansa sa daigdig na gaya ng mga bansa ng Unyong Europeo (EU), Hapon, at Norway, ay nabigyan ng Generalized System of Preferences (GSP) status ang Myanmar. Sa kasalukuyan, nagpupunyagi ang Myanmar para mabigyan ito ng Amerika ng ganitong treatment.
Bagama't nakuha muli ng Myanmar ang GSP status mula sa EU noong Hunyo, 2013, hindi lubos itong ginamit ng Myanmar. Mula noong Abril 1, 2012 hanggang Marso 31, 2013, umabot sa 162 milyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Myanmar sa EU. Mula noong Hunyo ng 2013 hanggang Nobyembre ng 2014, 357 milyong dolyares ang halaga ng naturang pagluluwas. Ngunit umakyat sa 500 milyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng Myanmar sa EU mula 302 milyong dolyares.
Salin: Li Feng