|
||||||||
|
||
Ayon sa China News Service, sa pulong ng Parliamentong Pederal kahapon, Marso 10, 2016, dalawang kandidato sa pagkapangulo ang magkahiwalay na ini-nominate ng National League for Democracy (NLD) at Union Solidarity and Development Party (USDP) ng Myanmar.
Dumalo ang mga kinatawan sa pulong ng Mababang Kapulungan sa Nay Pyi Taw, Myanmar, Marso 10, 2016.
Sa mababang kapulungan, ini-nominate ng nasabing dalawang partido sina Htin Kyaw, miyembro ng NLD, at Sai Mauk Kham, kasalukuyang pangalawang pangulo. Sa pulong naman ng mataas na kapulungan, magkahiwalay na ininominate sina Henry Van Htee Yu, mambabatas ng NLD, at Khin Aung Myint, dating ispiker ng mataas na kapulungan, at miyembro ng USDP. Ayon sa batas ng Myanmar, ini-nominate rin ng delegasyon ng mga mambabatas ng panig militar ang isang kandidato sa pagkapangulo. Ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa isinasapubliko ng panig militar ang listahan ng sariling kandidato.
Mga kinatawan sa pulong ng Mababang Kapulungan sa Nay Pyi Taw, Myanmar, Marso 10, 2016.
Noong unang dako ng nagdaang buwan, komprehensibong sinimulan ang pulong ng Parliamentong Pederal ng Myanmar. Ang termino ng dating Parliamentong Pederal ay nagsimula noong Enero 31, 2011, at nagtapos noong Enero 30, 2016. Magtatapos ang termino ni kasalukuyang Pangulong Thein Sein ng Myanmar, at ang pamahalaang kanyang pinamumunuan. (Source: Xinhuanet)
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |