Ipinahayag kamakalawa, Miyerkules, ika-24 ng Pebrero 2016, ng tagapagsalita ng pangulo ng Myanmar, na pagkaraan ng pagsasanggunian ng pamahalaan at National League for Democracy (NLD), idaraos sa ika-30 o ika-31 ng susunod na buwan ang seremonya ng paglilipat ng kapangyarihan ng pangulo ng bansa.
Matatapos sa huling araw ng susunod na buwan ang termino ng kasalukuyang pangulo ng Myanmar na si Thein Sein. Bago ito, dapat ihalal ng parliamento ang bagong pangulo at buuin ng pangulo ang bagong pamahalaan. Manunupa naman sa tungkulin ang bagong pangulo sa unang araw ng darating na Abril.
Salin: Liu Kai