Nilagdaan ng subsidiary ng Yunnan Energy Investment Group Co., Ltd. ng Tsina at Ministri ng Koryente ng Myanmar ang kasunduang nagkakahalaga ng mahigit 700 milyong dolyares para sa konstruksyon ng Ngaw Chan Hka Hydropower Project.
Nasa Ilog Ngaw Chan Hka, isa sa mga sanga ng Ilog Nmai Hka sa Kachin State ang nasabing hydropower project ng Myanmar. Ang lahat ng koryenteng malilikha ng proyekto ay isusuplay sa pamilihan ng bansa. Ang proyektong ito ay pilot project ng kooperasyon sa koryente ng Tsina at Myanmar.
Salin: Vera