|
||||||||
|
||
Pero mayroon pang mga di-pagkakaunawa at pagkabahala ang mga dayuhan sa nasabing inisyatiba ng Tsina. Bilang tugon, nagsapubliko ng artikulo si Hong Lin, komentarista ng China Radio International (CRI).
Backgrounder ng Belt and Road Initiative:
Silk Road noon at sa kasalukuyan
Ang Belt and Road Initiative ay pinakling termino para sa land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Noong sinaunang panahon, mayroon nang silk road na panlupa at silk road na pandagat at ang mga ito ay nagsilbi bilang mahalagang tsanel na pangkalalakalan at hudyat ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at iba pang mga bansa.
Noong Setyembre, 2013, sa kanyang pagdalaw sa Kazakhstan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mungkahi ng magkakasamang pagpapasulong ng land-based Silk Road Economic Belt para mapahigpit ang pag-uugnayan at pagtutulungan ng mga bansang Asyano at Europeo.
Noong Oktubre, 2013, sa kanyang pagdalaw sa mga bansang ASEAN, iniharap ni Pangulong Xi ang mungkahi ng magkakasamang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road para mapasulong ang partnership na pandagat sa pagitan ng Tsina at mga bansang dayuhan.
AIIB at Silk Road Fund
Upang pagkalooban ng suportang pinansyal sa konstruksyon ng imprastruktura at kaunlarang pangkabuhayan ang mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, iminungkahi ng Tsina ang pagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank at Silk Road Fund.
Noong Disyembre 30, 2015 ipinatalastas ng pamahalaang Pilipino ang pagsapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Kinabukasan ay lumagda ito sa kasunduan at naging isa sa 57 bansang tagapagtatag ng nasabing bangko.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. na sinang-ayunan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsapi ng Pilipinas sa AIIB, ayon sa mungkahi ni Finance Secretary Cesar Purisima. Ani Purisima, nananalig ang pamahalaang Pilipino na palalakasin at kukumpletuhin ng AIIB ang umiiral na multilateral na mekanismo ng pagpapasulong ng paglago ng kabuhayan, samantalang patataasin din nito ang pagkakataon ng hanap-buhay ng mga Pilipino at pagkakataong komersiyal. Dahil walang restriksyon ang AIIB sa pagbili ng paninda at serbisyo mula sa anumang bansa, tinatayang lalawak ang pamilihan ng industriyang may-kinalaman sa imprastruktura ng Pilipinas sa hinaharap.
Sa kanya namang paglahok sa talakayan hinggil sa Political Leadership: New Consensus for Political Parties, aktibidad na bahagi ng Asian Political Parties' Special Conference on the Silk Road, na ginanap sa Beijing, Tsina, noong Oktubre, 2015, bilang moderator sa nasabing talakayan, sinabi ni Jose de Venecia Jr., dating Speaker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas at founding Chairman ng International Conference of Asian Political Parties (ICAPP) na nagkakaisa ng palagay ang mga kinatawan ng mga partidong pulitikal sa muling pagbubukas ng Silk Road matapos ang 2000 taon.
Tugon sa mga di-pagkakaunawa sa Belt and Road Initiative
Unang di-pagkakaunawa: ang Belt and Road Initiative ay Chinese version ng Marshall Plan.
Tugon ni Hong: Kumpara sa Marshall Plan (European Recovery Program), bunga ng Cold War, ang Belt and Road Initiative ay nagtatampok sa pagtutulungan para sa win-win situation, batay sa pagsasanggunian ng lahat ng kasapi. Bukod dito, wala itong paunang kondisyon at bukas sa lahat ang nasabing inisyatiba. Samantala, hindi maaaring bigyan ng tulong ang mga bansang sosyalista sa ilalim ng Marshall Plan.
Ika-2 di-pagkakaunawa: ang Belt and Road Initiative ay makakapinsala sa interes ng iba pang mga bansa.
Tugon ni Hong: Nauunawaan ng Tsina ang nasabing malasakit. Pero, kung babalik-tanawin ang kasaysayan, masasabing hindi kailanman nakapinsala ang Tsina sa mga interes ng ibang bansa. Sa katotohanan, noong katapusan ng nagdaang siglo, sa ilalim ng krisis na pinansyal ng Asya, upang mapatatag ang kabuhayang panrehiyon, natupad ng Tsina ang pangako nito na hindi bababa ng halaga ng RMB. Nakatulong ito sa pag-ahon ng mga bansang Asyano. Bilang tugon sa pandaigdig na krisis na pinansyal na dulot ng subprime crisis sa Amerika, nagsabalikat din ng karapat-dapat na responsibilidad ang Tsina. Sa kasalukuyan, bilang ikalawang pinakamalaking economy sa daigdig, nakahanda ang Tsina na patingkarin ang sariling papel bilang responsableng bansa at halimbawa nito, ang paghahain ng Belt and Road Initiative.
Ika-3 di-pagkakaunawa: ang Belt and Road Initiative ay makakatulong sa Tsina sa pagkontrol sa kabuhayan ng ibang bansa.
Tugon ni Hong: Bilang bansa sa daigdig na may libu-libong sustenableng kasaysayan at sibilisasyon, hindi kailanman pinili ng Tsina ang pag-unlad sa pamamitan ng pandarambong.
Sa kasalukuyan, umabot sa mahigit 60 ang bansa sa kahabaan ng Belt and Road Initiative at higit na nakakarami sa mga ito ay atrasado ang kabuhayan. Ibat ibang pagsubok at problema ang kakaharapin ng Tsina at mga bansang dayuhan sa pagpapasulong ng inisyatibang ito para sa komong pag-unlad. Bilang responsableng bansa, nananangan ang Tsina sa pagpapauna ng pagpapasulong ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at karanasan at paniniwala ng Tsina na lutasin ang mga problema sa proseso ng pagpapasulong ng kaunlaran. Laging naninindigan ang Tsina na ang kaunlaran ng mga kapitbansa ay nakakabuti sa kaunlaran ng Tsina at ang kaunlaran ng Tsina ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa kaunlaran ng mga kapitbansa.
Ika-4 na di-pagkakaunawa: sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative, ililipat ng Tsina ang mga atrasadong production capacity sa labas.
Tugon ni Hong: Bilang ikalawang pinakamalaking economy sa daigdig, ang pinakabentahe ng Tsina ay nasa larangang pangkabuhayan. At itinatampok din ng Belt and Road Initiative ang pagtutulungang pangkabuhayan na gaya ng kontruksyon ng imprastruktura na kinabibilangan ng daambakal, lansangan, tulay, puwerto, paliparan at iba pa. Bukod dito, itinatampok din ng inisyatiba ang mga proyekto para mapasulong ang konektibidad ng mga may-kinalamang bansa na gaya ng power grid, telecommunication network, at oil at natural gas pipelines. Masasabing may natatanging bentahe sa nabanggit na larangan ang Tsina.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |