|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2015 ng pamahalaang Pilipino ang pagsapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na pinasimulan ng Tsina, at magbabayad ito ng 196 milyong dolyares na paid-in capital. Ang naturang paid-in ay babayaran sa loob ng 5 taon, o magbabayad ng 39 na milyon bawat taon sa AIIB.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. na sinang-ayunan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsapi ng Pilipinas sa AIIB, ayon sa mungkahi ni Finance Secretary Cesar Purisima. Lalagdaan ang mga kinauukulang kasunduan sa Huwebes, Disyembre 31. Ani Purisima, nananalig ang pamahalaang Pilipino na palalakasin at kukumpletuhin ng AIIB ang umiiral na multilateral na mekanismo ng pagpapasulong ng paglago ng kabuhayan, samantalang patataasin din ang pagkakataon ng hanap-buhay ng mga Pilipino at pagkakataong komersiyal.
Ipinahayag pa ni Purisima na sa kasalukuyang globalized world, masusing masusi ang connectivity. Bilang isang organong may prospek ng pag-unlad, lulutasin ng AIIB ang pangangailangan sa pamumuhunan, at tutulungan ang maraming bansa na bawasan ang financing gaps. Dahil walang restriksyon ang AIIB sa pagbili ng paninda at serbisyo mula sa anumang bansa, tinayang lalawak ang pamilihan ng industriyang may kinalaman sa imprastruktura ng Pilipinas sa hinaharap. Makikinabang dito ang Pilipinas bilang bansang tagapagtatag, dagdag pa niya.
Ayon sa pagtaya, 127.12 bilyong dolyares ang infrastructure financing needs ng Pilipinas mula noong 2010 hanggang taong 2020. Halos 1.08 trilyong dolyares naman ang infrastructure financing needs ng ASEAN sa gayun ding panahon.
Ang AIIB ay unang multilateral na organong pinansyal sa buong mundo. Ito ang magkakasamang itinatag ng 57 bansang kinabibilangan ng Tsina noong ika-25 ng Disyembre. Ayon sa plano ng AIIB, dapat matapos ng mga prospective founding members ang paglagda sa AOA bago ang ika-31 ng Disyembre.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |