Ayon sa Tenaga Nasional Berhad (TNB), pinakamalaking electricity utility company sa Malaysia, dahil sa init ng panahon sa bansa, mabilis nang lumalaki ang pangangailangan ng koryente mula ika-7 ng buwang ito. Umabot sa 17,175MW ang paggamit ng koryente noong ika-9, at ito ay lumikha ng bagong rekord.
Binigyan-diin din ng TNB na sa kasalukuyan, sapat ang suplay ng koryente. Pero, para sa pangangalaga ng kapaligiran, pinapaguhan ng Malaysia ang mga mamimili na ilagay ang air conditioner sa 23℃ hanggang 25℃.
Ayon sa pagtaya ng Administrasyong Meteorolohikal ng Malaysia, tatagal ang nasabing napakainit na klima hanggang Hunyo.
salin:wle