Kahapon, Marso 13, 2016, ipinahayag ng pamahalaan ng Indonesya, na isang baha ang naganap sa Bandung sa lalawigang West Java ng bansa, dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan. Dalawang (2) katao ang sinawing-palad, tatlong (3) iba pa ang nawawala, at 35,000 bahay ang naaapektuhan ng baha. Ito ang pinakagrabeng baha na naganap sa Bandung, nitong 10 taong nakararaan, dagdag pa ng pahayag.
Ayon sa ulat, sa kasalukuyan, nailikas na sa ligtas na purok ang mahigit 3,000 mamamayang apektado ng baha. Samantala, hinahanap ng mga rescue team ang mga nawawala.