Ayon sa China News Service, ipinahayag kahapon, Marso 14, 2016, ni Li Jianhua, Puno ng Kawanihang Pampalakasan ng Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, itataguyod ng Nanning ang mga kompetisyong pandaigdig na kinabibilangan ng Mountain Bike Open ng Guangxi at ASEAN, City Football Invitational Tournament, World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental Championship, at iba pa.
Sinabi ni Li na ang Nanning ay pinakamalapit na lunsod ng Tsina sa mga bansang ASEAN. Ito rin aniya ay pinagdarausan ng China-ASEAN Expo (CAExpo). Nitong limang taong nakalipas, itinaguyod at ini-organisa ng Nanning ang maraming Kompetisyong Pandaigdig, dagdag pa niya.
Nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong pinalalakas ang pagpapalitang pampalakasan sa lebel na opisyal at di-pampamahalaan sa pagitan ng Guangxi at mga bansang ASEAN. Magkakasunod na naitatag sa Guangxi ang Sentro ng Kooperasyon at Pagpapalitang Pampalakasan ng Tsina at ASEAN, Sentro ng Pagsasanay sa Human Resources sa Palakasan ng Tsina at ASEAN, at iba pang baseng pangkooperasyon ng dalawang panig.
Salin: Li Feng