Sa Guangxi, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Kasalukuyang idinaraos ang preliminaryong pulong ng kauna-unahang China-ASEAN National Culture Forum. Ayon sa pulong na ito, mula 2016, taunang gaganapin ang nasabing porum.
Ang porum ay magkakasamang itinaguyod ng Guangxi Federation of Social Science, Sentro ng Pagpapalitan ng Kulturang Pandaigdig ng Guangxi, at GuangXi University for Nationalities.
Nagpalitan ng kuru-kuro at kaalaman ang mga dalubhasa at iskolar sa pambansang kultura mula sa Biyetnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, Laos, at iba pang bansa, gayundin ang mga tagapagtaguyod ng porum.
Salin: Li Feng