Pinagtibay noong ika-14 ng Marso, 2016, ng Parliamento ng Singapore ang mga bagong tadhana hinggil sa pangangasiwa sa sigarilyo.
Ayon sa naturang mga tadhana, mula taong 2017, ipagbabawal ang pagpapakita ng anumang sigarilyo sa mga tindahan at pagsasapubliko ng mga advertisement ng sigarilyo, lalo na sa Internet.
Ipinahayag ng isang opisyal ng Singapore na ang pagpapahigpit ng kanyang bansa ng pangangasiwa sa mga sigarilyo ay naglalayong mapigilan ang pagpopromote ng mga bahay-kalakal ng sigarilyo sa mga kabataan.
Ayon sa datos, noong taong 2004, 12.6% ang proporsyon ng populasyon ng Singapore na nagsisigarilyo. Ang bilang ito ay pinakamababa sa kasaysayan.
Noong 2013, ang naturang bilang ay tumaas sa 13.3%.