Bilang suporta sa programang SkillsFuture ng pamahalaan ng Singapore, inilunsad kamakailan ng Lifelong Learning Council (LLC) ng nasabing bansa ang 3 milyong Singaporean dollar na LearnSG Seed Fund.
Ayon kay Tan Kay Yong, Tagapangulo ng LLC, ang nasabing pondo ay gagamitin para hikayatin ang mga indibiduwal, paaralan, organisasyon, at komunidad sa pagsisimula ng mga proyekto ng pagpapasulong ng patuloy at panghabang-buhay na pag-aaral ng mga mamamayan ng Singapore.
Napag-alamang ang magagadang ideya o proyekto ay maaaring palawakin sa buong bansa.
Ang LLC na itinatag ng Singapore Workforce Development Agency (WDA) noong Oktubre, 2014 ay naglalayong hubugin ang kultura ng panghabambubay na pag-aaral sa buong lipunan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio