Ayon sa Xinhua News Agency, isinapubliko kahapon, Marso 10, 2016, ng Economist Intelligence Unit (EIU) ng Britanya ang ulat ng "Worldwide Cost of Living," at ayon dito, ang Singapore City ang lunsod na may pinakamataas na gastos sa pamumuhay sa buong daigdig.
Ayon sa naturang ulat, sa kalagayan ng pagbaba ng presyo ng langis at commodity price, pagde-devalue ng salapi, at pagdami ng di-matatag na elemento mula sa geopolitics, tumataas ang gastos sa pamumuhay sa ilang lunsod sa daigdig. Kung ihahambing sa mga iba pang lunsod sa Asya, mas mataas ang paggastos sa mga lunsod ng Tsina. Kapwa nasa ika-2 puwesto ang Hong Kong ng China, at Zurich ng Switzerland. Sa mga lunsod sa interyor ng Tsina, pinakamataas ang gastos sa pamumuhay ang Shanghai, na nasa ika-11 puwesto. Kasunod nito ay ang Shenzhen, Dalian, Beijing, Qingdao, Suzhou, Guangzhou, at Tianjin.
Bukod sa Singapore, Hong Kong, at Zurich, ang ibang pitong lunsod sa daigdig na may pinakamataas na gastos sa pamumuhay ay ang Geneva, Paris, London, New York, Copenhagen, Seoul, at Los Angeles.
Salin: Li Feng