Sa Jakarta — Nilagdaan kagabi, Marso 16, 2016, ng magkasanib na kompanya ng Jakarta-Bandung High-speed Rail ng Indonesia at Ministri ng Komunikasyon ng bansang ito ang franchise agreement. Ito ay nangangahulugang nakuha ng komprehensibong pagsisimula ng naturang proyekto ang mahalagang garantiyang pambatas.
Bumati si Ignasius Jonan, Ministro ng Komunikasyon ng Indonesia, sa pagkuha ng naturang magkasanib na kompanya ng franchise rights. Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataong binigyan ng kanyang ministri ng franchise rights ng daambakal ang isang foreign shareholding enterprises.
Sinabi naman ni Yang Zhongmin, chairman ng China Railway International Group, na salamat sa pagbibigay-pansin at pagkatig ng pamahalaan ng dalawang bansa, maalwang sumusulong ang naturang proyekto. Nananalig aniya siyang maisasakatuparan ang proyektong ito sa itinakdang target at panahon.
Salin: Li Feng