Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-4 ng Enero, 2016 ng gabinete ng Indonesya, idaraos sa ika-21 ng buwang ito ang seremonya ng paglalagay ng panulukang bato para sa Jakarta-Bandung High-speed Railway. Bago ito, aaprobahan ng pamahalaan ng Indonesya ang lahat ng mga kinakailangang dokumento para sa naturang proyekto.
Ayon pa rin sa plano ng pamahalaan ng Indonesya, matatapos ang konstruksyon ng naturang daambakal sa katapusan ng taong 2018, at isasaoperasyon ito sa unang dako ng taong 2019.
Ang daambakal na ito ay itatayo at isasaoperasyon ng isang joint venture na binubuo ng mga kompanya ng Indonesya at Tsina.
Salin: Liu Kai