Ang "1600 Pandas World Tour" ay isang pagtatanghal na inilunsad ng World Wide Fund for Nature (WWF), kasama ng kilalang artistang Pranses na si Paulo Grangeon. Sinimulan ang proyektong ito noong 2008, at bumiyahe na sa maraming lunsod sa iba't ibang sulok ng daigdig.
"1600 Pandas World Tour" sa iba't ibang sulok ng mundo.
Ang mga panda ay yari ng recycled paper at egg shell. Iba't iba ang hugis at facial expression ng mga panda. Ang numerong 1600 ay sumasagisag sa bilang ng natitirang giant panda sa buong mundo habang lumilikha si Paulo Grangeon ng mga paper panda. Ang ganitong pagtatanghal sa buong mundo ay naglalayong manawagan sa mga tao na pangalagaan ang kapaligiran at mailap na hayop, lalung-lalo na, ang mga endangered species.
Salin: Vera
1 2 3