Dumalo kamakailan si Justin Trudeau, Punong Ministro ng Canada, sa saremonya ng pagbibigay ng mga pangalan sa mga bagong silang na panda sa Toronto Zoo.
Natuwa siya sa naturang dalawang batang panda at iniupload ang mga litrato habang kandong ang dalawang panda sa Twitter at nakatawag ito ng malawak na pansin ng mga netizen sa buong daigdig.
Ang naturang dalawang batang panda ay isinilang noong Oktubre ng taong 2015 at pinangalanang Jia Panpan at Jia Yueyue.
Sinabi ni Trudeau na ang dalawang bagong silang na panda ay magandang regalo para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Canada at Tsina.
Sinabi pa niyang ang giant panda ay sagisag ng pagkakaibigan at kapayapaan para sa lumalalim na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest