Ipinatalastas ngayong araw, ika-19 ng Marso 2016, ng Emergencies Ministry ng Rusya, na bumagsak kaninang madaling araw sa Rostov-on-Don, lunsod sa katimugan ng bansang ito, ang isang Boeing 737-800 eroplanong pampasahero ng Dubai Aviation Corporation, o Flydubai. Nasawi ang 61 tao na lulang ng eroplano, na kinabibilangan ng 55 pasaheo at 6 na crew members.
Lumipad ang eroplanong ito mula Dubai, United Arab Emirates, papuntang Rostov-on-Don ng Rusya. Bumagsak ito habang lumalapag sa paliparan ng destinasyon nito. Ayon sa inisyal na pag-aanalisa, ang masamang panahon ay pangunahing sanhi sa pagbagsak ng naturang eroplano.
Salin: Liu Kai