|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na dapat iharap sa batas ang mga may-kagagawan.
Ipinahayag naman ni Ahmet Davutoğlu, Punong Ministro ng Turkey, na patuloy na bibigyang-dagok ng kanyang pamahalaan ang terorismo hanggang maalis sa kanyang bansa ang lahat ng mga may kinalamang elemento nito.
Ayon sa ulat, tatlong Israeli, isang Iranian at dalawang Amerikano ang nasawi sa naturang pambobomba, at mahigit 36 na iba pa ang nasugatan.
Sinabi ni Ned Price, Tagapagsalita ng National Security Council ng Amerika, na patuloy at matatag na kakatigan ng kanyang bansa ang mga aksyon ng Turkey sa paglaban sa terorismo.
Bukod dito, sinabi ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, na napakasama ang mga taong naglunsad ng pambobomba sa Istanbul. Ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga nasawi sa insidente.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |