Ipinahayag kagabi, Pebrero 17, 2016 ni Numan Kurtulmus, Pangalawang Punong Ministro ng Turkey na isang insidente ng car bombing ang naganap sa Ankara, na ikinamatay ng 28 katao, at ikinasugat ng 61 iba pa.
Ayon sa ulat, ang lugar ng pagsabog ay malapit sa Punong Himpilan ng General Staff ng Turkey. Kasalukuyang isinasagawa ng pamahalaan ng Turkey ang mga katugong imbestigasyon.
Nauna rito, sa dalawang suicide bombing na naganap noong Oktubre, 2015 sa railway station ng Ankara, di-kukulangin sa 102 katao ang namatay, at mahigit 200 iba pa ang nasugatan. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, isang grupong sangay ng IS sa Turkey ang may kakagawan sa nasabing pagsabog.