Narating ng Unyong Europeo (EU) at Turkey Marso 20, 2016 ang kasunduan hinggil sa repatriasyon ng refugee. Samantala, sabag namang idinaos sa Berlin ang demonstrasyon bilang pagtutol sa napakahigpit na patakaran sa mga refugee. Ayon sa ulat ng lokal na media, mahigit isang libong tao ang lumahok nasabing kilos-prota.
Ayon sa bagong kasunduan, pagbabalikin ang mga refugee na papasok sa Europa sa pamamagitan ng Turkey na hindi umabot sa kawalipikasyong inilagay ng EU. Sisimulan ang pagpapabalik mula ika-4 ng Abril. Bilang kapalit, kung pagbabalikin ng EU ang isang ilegal na Syrian refugee sa Turkey, tatanggapin ng EU ang isa pang Syrian refugee na nananatili sa Turkey.
Ayon pa sa ulat ng media ng Alemanya, dahil sa pagkabalisa sa lubusang pagpipigil ng pagpasok ng mga refugee sa Europa, nitong ilang araw na nakalipas, mas maraming refugee ang dumating sa Greece.
salin:wle