Sinabi kahapon ni Pangulong François Hollande ng Pransya na dapat tanggapin ng mga kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) ang itinakdang quota ng mga refugees.
Idinaos kahapon sa Paris ang pulong na dinaluhan nina Hollande at ibang puno ng mga social democratic party ng mga bansang EU para talakayin ang hinggil sa krisis ng mga refugees at patakarang pangkabuhayan ng EU.
Pagkatapos ng pulong na ito, ipinangako ni Hollande na tatanggapin at isasaayos ng kanyang bansa ang 30 libong refugees sa loob ng darating na dalawang taon.
Bukod dito, sinabi ni Hollande na nababahala siya sa mga iligal na pagtawid ng mga refugees patungo sa mga bansang EU sa pamamagitan ng pagtawid ng Aegean Sea.