Natapos nitong Linggo, Marso 20, 2016 ang paghahanap at pagliligtas sa mga biktima ng pagbagsak ng Flydubai sa Rusya. Nakatakdang simulan ngayong araw ang decoding ng black box.
Lalahok sa pagde-decode ang mga dalubhasa mula sa departamento ng abiyasyon ng United Arab Emirates; Amerika, producing country ng eroplano; at Pransya, bansang taga-gawa ng makina ng nasabing eroplano.
Noong madaling araw ng Marso 19, 2016, bumagsak, malapit sa runway ng airport ng Rostov-On-Don sa Rostov, lunsod sa Timog-kanluran ng Rusya ang Boeing 737-800 passenger plane ng Flydubai. Lahat ng 62 katao na lulan ng eroplano ay nasawi.
Mga bulaklak at laruan sa ilalim ng name list ng mga biktima ng air crash
Salin: Andrea