|
||||||||
|
||
Idineklara kahapon ng sangay ng Islamic State (IS) sa Ehipto ang responsibilidad sa insidente ng pagbagsak ng eroplano ng Rusya na naganap nang araw ring iyon sa Sinai ng bansang ito. Pero, hindi inilabas ng IS ang mas maraming impormasyon hinggil dito.
Nauna rito, kinumpirma ng panig opisyal ng Rusya at Ehipto na nasawi ang lahat ng 224 na kataong lulan ng naturang eroplano.
Ipinalalagay ng departamentong panseguridad ng Ehipto na walang anumang palatandaang nagpapatunay na ang pagbagsak ng naturang eroplano ay dahil sa pagbaril.
Sa kasalukuyan, sinusuri ng Rusya at Ehipto ang aktuwal na dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Sinabi ni Sherif Ismail, Punong Ministro ng Ehipto, na natuklasan na nila ang isang black box ng naturang eroplano para analisahin ang mga record nito at hanapin ang dahilan ng pagbagsak.
Ayon sa pinahuling datos, lulan ng naturang eroplano ang 224 na katao na kinabibilangan ng 7 crew, 214 na pasaherong Ruso at 3 Ukrainian.
Pagkatapos ng maganap ang insidente, ipinatalastas ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na ang unang araw ng Nobyembre ay pambansang araw ng pagdadalamhati para sa naturang mga nasawing Ruso.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |