Nagtalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina
Sa Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina — Isang welcome ceremony ang idinaos kahapon ng hapon, Marso 22, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina para sa mga kalahok na lider sa unang Summit ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na kinabibilangan nina Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, Pangalawang Pangulong Sai Mauk Kham ng Myanmar, at Pangalawang Punong Ministro Pham Binh Minh ng Biyetnam.
Sa kanyang mensaheng panalubong, ipinahayag ni Premyer Li na noong isang taon, unti-unting naisakatuparan ang mekanismong pangkooperasyon ng Lancang-Mekong. Naipasa aniya ang dokumentong pangkooperasyon, at naitakda ang tatlong pangunahing bahagi ng kooperasyon na gaya ng seguridad na pulitikal, kabuhayan at sustenableng pag-unlad, at lipunan at kultura. Bukod dito, naitakda ang limang (5) preperensyal na direksyong pangkooperasyon na kinabibilangan ng konektibidad, kakayahan ng produksyon, kabuhayang transnasyonal, yamang-tubig, agrikultura, at pagbabawas ng karalitaan. Sinabi rin niya na ang mga ito ay nagpapakitang ibayo pang napahigpit ang pagtitiwalaan, napalakas ang kooperasyon, napalalim ang pagpapalitan, at napasulong ang pag-unlad sa pagitan ng anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong. Ito ay tugma sa tunguhin ng siglo, at angkop sa mithiin ng kanilang mga mamamayan, dagdag pa niya.
(Photo credit: Xinhua)
Salin: Li Feng