Sa Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina — Nakatakdang idaos, Marso 23, 2016, ang unang Summit ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Sa isang panayam, sinabi ni Wichai Kinchong Choi, Mataas na Pangalawang Presidente ng Kasikornbank ng Thailand, na ang mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Mekong River, ay makakatulong sa pagpapalakas ng pagtitiwalaang pulitikal ng mga may-kinalamang bansa, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon, at pagpapalalim ng pag-unawaan para maisakatuparan ang win-win situation.
Sinabi niya na ang rehiyong Lancang-Mekong ay may mahigpit na kooperasyong pangkultura, malalim na pundasyong pangkooperasyon, malawak na larangang pangkooperasyon, at malawak na potensyal na pangkooperasyon. Aniya, sa pamamagitan ng mekanismong pangkooperasyon ng Lancang-Mekong River, puwedeng mapalakas ng anim na bansa ang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, puwede ring isaayos nang mainam ang yaman ng produksyon, at mapalakas ang kakayahang kompetitibo ng pamilihan ng mga may-kinalamang bansa. Makakatulong din aniya ang naturang mekanismo sa pag-unlad ng kabuhayan ng apat na bansang kinabibilangan ng Myanmar, Laos, Cambodia, at Biyetnam, at makakapagpasulong sa mas mainam na pakikisangkot ng naturang mga bansa sa komunidad ng kabuhayan ng ASEAN.
Salin: Li Feng