|
||||||||
|
||
Sa Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina — Idaraos Marso 23, 2016, ang unang Summit ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, magkakasamang dadalo rito ang mga lider ng limang bansang kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam. Sa isang preskong idinaos kahapon, Marso 17, 2016, ng Ministring Panlabas ng Tsina, isinalaysay ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na pormal na pasisimulan sa naturang pulong ang mekanismong pangkooperasyon ng Lancang-Mekong. Umaasa aniya ang panig Tsino na magiging bagong plataporma ng Tsina at limang bansa ang LMC.
Sapul nang iharap ng panig Tsino ang mungkahi tungkol sa mekanismo ng LMC noong taong 2014, aktibo itong tinugunan ng mga bansa sa Mekong River. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, nagkaroon na ang Tsina at limang bansa ng 3 Pulong ng Working Group, 3 Pulong ng Matataas na Opisyal, at 1 pulong ng mga Ministrong Panlabas.
Isinalaysay niya na puwersang makakapagpasulong ang LMC sa konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, at sa progreso ng integrasyong panrehiyon. Ito aniya ay mainam na supplement ng kooperasyong Sino-ASEAN.
Dagdag pa niya, makikinabang ang mga bansa sa Mekong River sa karanasan ng Tsina sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, pagbabawas ng karalitaan, at bentahe sa teknolohiya at pondo. Ang naturang mga bansa naman ay magsisilbing mahalagang partner ng Tsina sa pagpapasulong ng konstruksyon ng "Belt and Road" at pandaigdigang kakayahan ng produksyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |