Sa Sanya, probinsyang Hainan ng Tsina — Sa kanyang pakikipagtagpo kagabi, Marso 22, 2016, kay Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng Thailand, at iba pang mga bansa sa kahabaan ng Mekong River, para mapasulong ang pagtatamo ng unang Summit ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) ng kasiya-siyang tagumpay.
Pinasalamatan naman ni Don Pramudwinai ang ibinibigay na napakalaki at positibong pagsisikap ng panig Tsino para sa pagpapasimula ng LMC. Ipinagdiinan aniya ng panig Thai na magsikap kasama ng iba't-ibang panig sa rehiyong ito, para mapasulong ang tagumpay ng nasabing summit.
Ayon sa ulat, binuksan sa Sanya kahapon ng hapon, Marso 22, 2016, ang dalawang-araw na Summit ng LMC.
Salin: Li Feng