|
||||||||
|
||
Si Premiyer Li Keqiang ng Tsina
Sa Bo'ao, Hainan — Idinaos ngayong araw, Marso 24, 2016, ang seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA). Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kung talagang nais panatilihin ang katatagan at kaunlaran ng kabuhayang Tsino, dapat pasiglahin ang sariling puwersang tagapagpasulong. Aniya, ang ganitong puwersa ay mula sa tatlong aspektong gaya ng reporma at pagbubukas sa labas, pagsasaayos ng estruktura, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa talumpati, sinabi ng Premyer Tsino na mas mabilis ang paglaki ng kabuhayang Asyano kumpara sa buong mundo. Walang humpay na tumataas ang proporsiyon ng kabuuang bolyum nito sa kabuhayang pandaigdig, at ang Asya ay nagiging rehiyong may pinakamasiglang kabuhayan sa daigdig.
Nanawagan din siya na dapat magkakasamang pangalagaan ng iba't-ibang bansang Asyano ang kapayapaan at katatagan, pasulungin ang paglaki ng kabuhayan, palalimin ang pag-unlad, pasulungin ang pagbubukas, at pasiglahin ang inobasyon.
Ayon sa ulat, ngayong taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng BFA.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |