Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

BFA, mahalagang plataporma para sa kooperasyong pangkabuhayan sa Asya

(GMT+08:00) 2016-03-22 16:28:17       CRI

Sa Bo'ao, probinsyang Hainan ng Tsina — Idaraos mula Marso 22 hanggang Marso 25, 2016, ang taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA). Nakatakdang idaos sa taunang pulong ang 88 debatehan na kinabibilangan ng 1 seremonya ng pagbubukas, 51 sub-forum, 15 round-table meeting, 5 theme dinner meeting, 10 dialogue meeting, at 6 na televised debate. Ang nilalaman ng mga ito ay sasaklaw sa maiinit na temang gaya ng makro-ekonomya, pagsisimula ng negosyo at inobasyon, at internet. Ipinalalagay ng mga dayuhang politiko, dalubhasa, at iskolar, na ang BFA ay nagsisilbing mahalagang plataporma para sa kooperasyong pangkabuhayan sa rehiyong Asyano. Anila, mayroon itong napakalaking puwersang tagapagpasulong sa integrasyon ng kabuhayang Asyano.

Ipinahayag ni Richard Colbeck, Ministro ng Turismo at Edukasyong Pandaigdig ng Australia, na ang BFA ay isang "espesyal at mabuting" porum na nababagay sa pagtalakay tungkol sa mga suliraning Asyano.

Ipinalalagay naman ni Li Ke, Propesor ng Nihon University, na magpopokus ang taunang pulong ng BFA sa mga maiinit at mahihirap na isyu sa rehiyong ito. Aniya, magtitipun-tipon ang mga personahe mula sa nagkakaibang larangan, bansa, at rehiyon para magkakasamang talakayin ang naturang mga isyu. Dapat tiyakin ang porma at ideya nito, dagdag pa niya.

Ipinalalagay ni Zhao Hong, mataas na mananaliksik ng ISEAS-Yusof Ishak Institute (dating Institute of Southeast Asian Studies) ng Singapore, na hindi lamang sa Tsina, kundi maging sa mga bansang Timog Silangang Asyano, ay nangangailangan ng repormang pangkabuhayan. Aniya, bukod sa pagsasagawa ng sariling reporma, dapat ding isaalang-alang ng mga bansang Asyano kung paano mapapalakas ang kooperasyon sa pagitan nila.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>