Ipinahayag ni Lin Yifu, dating Pangalawang Gobernador at Punong Ekonomista ng World Bank (WB), na ang "Silk Road Economic Belt and 21st Century Maritime Silk Road" o "Belt and Road Initiative" ay hindi lamang nakakatulong sa pag-unlad ng Tsina, kundi sa konstruksyong pang-modernisasyon ng mga umuunlad na bansa.
Winika ito ni Lin sa pulong ng mga media ng 2016 taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) na idinaos noong ika-22 ng buwang ito sa Sanya, lalawigang Hainan ng Tsina.
Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, ang pangunahing kahirapan para sa mga umuunlad na bansa ay kakulangan sa imprastruktura, at ang "Belt and Road Initiative" ay magdudulot ng mga pagkakataon sa larangang ito.
Kaugnay ng pamumuhunan ng Tsina sa Aprika, sinabi ni Lin na ang "Belt and Road Initiative" ay magdudulot ng mas maraming pamumuhunang Tsino para sa mga bansang Aprikano.
Salin: Ernest