Ayon sa Kawanihan ng Daambakal ng Beijing, ikakabit ang free WiFi sa mahigit 100 tren ng daambakal sa katapusan ng Abril ng taong ito.
Kabilang sa nasabing mga tren ay linyang mula Beijing patungong Shanghai, Qingdao (puwerto sa dakong silangan ng Tsina), Kunming (Punong Lunsod ng Lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina), Lhasa ng Tibet, at Guangzhou sa dakong timog ng Tsina.
Upang magamit ang free WiFi, dapat i-download ng mga pasahero ang APP. Ang APP ay isang platapormang magkakaloob din ng mga musika, balita, at pelikula. Maaari ring mag-log-in sa inyong QQ at Wechat (dalawang pangunahing instant messaging social networks ng Tsina) account sa pamamagitan ng APP na ito.
Ang WiFi signal ay mula sa 3G o 4G service providers hinaba-haba ng linya ng daambakal. Ang wireless network capacity ay maaaring magserbisyo sa 120 digital devices sa bawat WiFi module.
salin:wle