Magkahiwalay na nagpahayag March 27, 2016 sina Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, at Mogens Lykketoft, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, ng pagkondena sa suicide bombing na naganap noong araw na iyon sa isang parke sa Lahore, Punjab Province, Pakistan. Nanawagan sila agarang i-aresto at patawan ng karapat-dapat na kaparusahan ang mga may-kagagawan.
Sabado, ika-27 ng Marso, naganap ang suicide bombing sa isang parke ng sa Lahore, siyudad sa dakong silangan ng Pakistan. Di kukulangin sa 69 ang namatay kung saan 1/3 ang mga bata, at mahigit 300 ang nasugatan
Inamin ng Jamaat-ul-Ahrar, hiwalay na grupo ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (Movement of the Taliban in Pakistan) ang umamin ng responsibilidad sa nasabing atake.
Salin: Andrea