|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasamang nakatanghal ang mga makabagong painting mula sa mga bansa ng Timog-silangang Asya at Europa. Sa kabuuan, mahigit 200 obra mula sa 51 alagad ng sining ang itinatanghal.
Sa pamamagitan ng eksibit, makikita ng mga bisita kung paano hinarap ng mga artist mula sa iba't ibang background ang modernism at makabagong sining noong ika-20 siglo.
Ilan sa mga itinatanghal na artworks ay The Builders ni Victorio Edades ng Pilipinas (1928), Brown Madonna ni Galo Ocampo ng Pilipinas (1938), Fairies ni Nguyen Gia Tri ng Biyetnam (1930s), Interior in Yellow and Blue ni Henri Matisse ng Pransya (1946), at Le Métafisyx ni Jean Dubuffet ng Pransya (1950).
Ang nasabing pagtatanghal ay nasa magkasamang pagtataguyod ng National Gallery Singapore at Centre Pompidou na nakabase sa Paris. Tatagal ang eksibisyon hanggang ika-17 ng Hulyo, 2016.
Image: Detail of Impression V (Park) ni Vassily Kandinsky mula sa Rusya. 1911. Collection of Centre Pompidou, Paris. Photo: © Centre Pompidou, MNAM-CCI/Bertrand Prévost/Dist. RMN-GP.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |