Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina—Linggo ng hapon, Disyembre 27, 2015, binuksan dito ang isang buwang 2015 China-ASEAN Biennale. Itinatanghal sa naturang aktibidad ang art works mula sa mga bansang gaya ng Thailand, Singapore, Myanmar, Biyetnam, Kambodya, at Hapon.
Ayon sa salaysay, ang kasalukuyang eksibisyon ay itinataguyod ng ASEAN Cultural Fundation ng China Foundation for the Development of Social Culture (CFDSC). Sa loob ng darating na isang buwan, lalahok dito ang mga artista mula sa iba't ibang lalawigan at rehiyong awtonomo ng Tsina, Hong Kong, at bansa ng Timog-silangang Asya. Tatalakayin nila ang mga paksang gaya ng pinanggagalingan at kooperasyon ng modernong sining ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera