Itinaguyod nitong Miyerkules, Marso 30, 2016, ng Thai-Chinese Tourism Alliance Association (TCTA) ang isang rali para manawagan sa pamahalaan ng Thailand na tulungan ang mga travel agency ng bansang ito sa paglutas sa isyu ng kakulangan sa mga tour guide na marunong sa wikang Tsino.
Nitong ilang taong nakalipas, parami nang paraming Tsino ang naglakbay sa Thailand. Tinayang lalampas sa 10 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Thailand sa taong 2016. Dahil dito, kinakaharap ng mga travel agency ng Thailand ang humihigpit na hamon sa isyu ng kakulangan sa mga tour guide na nakapagsasaluta ng Mandarin.
Kaugnay nito, nanawagan ang TCTA sa pamahalaang Thai na tulungan ang mga travel agency at paluwagin ang limitasyon sa mga tour guide.
Sa Thailand, ang mga lisensya ng tour guide ay ibinibigay lamang sa mga taong may degree sa turismo.